Monday, January 16, 2012

Puray Falls












Puray Falls
Rodriguez, Rizal


Cast:
+ manong
+ kublador
+ nikko
+ charles
+ kuya juvy
+ glen


Fail ride na sana, kaso mapilit at natuloy pa. Sobrang daming river crossing. May mga ilang ahon din. Walang ulan at hindi masyadong maaraw/mainit. Push lang ng push! Nandito na tayo eh.


Sige padyak lang, kailangang makarating doon kahit anong mangyari.


"Aray! Limatik!" habang buhat-buhat namin ang aming mga bisikleta papuntang Puray falls. Ilang minuto na lang ay nandoon na tayo. Sobrang laki ng mga bato, dahan dahan lang.


Napakaganda ng Puray falls. Sulit na sulit. O picture picture! Solid.
Halika na, umuwi na tayo habang may konting liwanag pa.


Teka, take five muna, pahinga muna tayo ng konti at kumain na din ng konti bago tayo umuwi para dere-derecho ang padyak.


Heto na nga at ginabi na nga tayo. Mukhang hindi na uubra. Ano nang plano? Punta tayo doon sa waiting shed at magtanong baka may mga tricycle pa.


O, ikarga na yan! Uuwi na tayo.





Sobrang sobrang sobrang maraming salamat po sa mga lokals na pumayag para ihatid kami sa Montalban pauwi gamit ang kanilang motor/tricycle. Kung hindi dahil sa kanila, malamang kinabukasan na kami nakauwi o di kaya ay pumadyak kami sa kadiliman ng ilang oras kahit na wala kaming pagkain at tubig.


Walang injury. Walang nasiraan.
Solid yung mga pagkain sa karinderya.


Napaka-swerte pa din talaga. Maraming salamat po Panginoon :)


"hindi na ako makakain..."
"kayang kaya niyo yan, maliwanag ang buwan!"

2 comments:

  1. Kuya ilan oras po biyahe niyo?...

    ReplyDelete
  2. medyo mabagal kami sir, mga 3.5 hours ata ang trail ride 1-way

    ReplyDelete